NAMAHAGI ng P10,000 cash ang napatalsik na Speaker ng Kamara na si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano kasabay nang pagsasabi na pinag-iisipan niyang tumakbo sa pagkapangulo sa darating na halalan.
Ipinagtanggol din ni Cayetano ang pamumudmod niya ng pera sa kanyang mga tagasuporta. Ito anya ay kanyang paraan para kumbinsihin ang kanyang mga kasamahan sa Kamara na ipasa ang panukalang P10K Ayuda Bill.
Gusto rin anya niyang tumakbo bilang kandidato na naka sentro sa Diyos at sa Biblia.
“Our people should also have an option for faith-based, value-oriented leadership. In these sense, I am seriously considering running for president as we look at the issues,” pahayag ni Cayetano.
At isa sa mga tinutukoy niyang dapat solusyon sakalaing siya ang manalo ay ang usapin ng online gambling gaya ng e-sabong at e-casinos.
“I haven’t heard anyone talk about these issues, which can really create a generation of zombies fixated on gambling and not work,” dagdag pa ni Cayetano.
Matatandaang tumakbo si Cayetano bilang bise presidente at running-mate ni Pangulong Duterte noong 2016, bagamat natalo.