WALANG balak tumakbo sa pagkabise-presidente si dating Speaker Alan Peter Cayetano sa darating na halalan.
Ayon kay Cayetano dalawang posisyon lamang ang pinag-iisipan niyang salihan — ang pagkapangulo o re-election bilang kongresista ng Taguig.
“I’m considering just either running for president or for reelection sa position ko ngayon. ‘Yun nga sabi ko kung mapapasa naman ‘yung five-year plan at saka ‘yung P10,000 (ayuda), I can help regardless ano ‘yung capacity ko,” Ayon kay Cayetano sa isang ambush interview.
“I’m not really considering for vice president. May mga nagsasabi na puwedeng mag-senador, but I’m really contemplating muna kung ano ang magiging future natin in the first year after Duterte,” paliwanag pa nito.
Dagdag pa nito, gagawin niya ang pagdedeklara tungkol sa kanyang plano sa mga susunod na araw.