NANAWAGAN sa publiko si senator-elect Alan Peter Cayetano na bigyan ng pagkakataon ang administrasyon ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na patunayan ang sarili bago ito husgahan.
“Give him a chance, see what he does, and then let’s judge it later on. Kasi it’s easy to judge him and his family before this. Malinaw ‘yon,” ani Cayetano kay Marcos.
“Ang prinsipyo ko, kung sino pinili ng tao, bigyan mo ng chance. But do not follow blindly. Kung may mali, dapat alam nilang mali ang ginagawa. Kung may tama, then tulungan mo. O tama ang ginagawa, tulungan mo,” dagdag niya.
Ipinunto rin niya na hindi dapat hatulan si Marcos sa ginawa ng pamilya nito.
Matatandaan na isa si Cayetano sa mga nakalaban ni Marcos sa pagkabise-presidente noong 2016.
Sa isang debate ay inungkat ni Cayetano ang mga isyu ng corruption at ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.