Hindi aatrasan ni Pangulong Duterte ang pagkasa ni retired Senior Associate Justice Antonio Carpio sa naunang hamon ng presidente sa isang debate sa isyu sa West Philippine Sea.
“If he wants a formal debate, kahit kailan po iyan welcome naman po ni Presidente iyan,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa kanyang briefing.
Idinagdag pa ni Roque na matagal nang nagdedebate ang dalawa tungkol sa WPS issue.
“Ang hindi masagot-sagot ni Justice Carpio – ano ang pinamigay niyang teritoryo? Wala! Dahil ang unang-unang kasunduan niya sa Tsina, status quo – walang kukunin na isla sa Pilipinas, walang bagong reclamation.
“Samantalang sa panahon po noong administrasyon na nakalipas sa pamumuno ni (Foreign Affairs Secretary Albert) Del Rosario, diyan po nawala ang Scarborough Shoal at diyan po nagpalaki ng mga base militar, ng mga artificial islands ang Tsina doon sa tatlong isla,” ayon pa kay Roque.