DALAWANG babae pa ang susubok sa Senado sa 2025 midterm elections.
Naghain ng kanilang certificate of candidacy sa pagkasenador sina incumbent Las Piñas Rep. Camille Villar at Makati City Mayor Abby Binay Biyernes sa Manila Hotel Tent City.
Kasama ni Villar ang ama na si dating Senate President Manuel Villar at kapatid na si Senador Mark Villar nang maghain ito ng kandidatura.
Ang kanyang ina na si Senador Cynthia Villar ay nasa ikatlong termino na.
“As the only millennial candidate, a Filipino youth, I can contribute towards a new politics in our country. My values are rooted in the Filipino principles of sipag (hard work) and tiyaga (perseverance), which I learned from my parents. Combined with my decades of experience in business and two terms in public service, I believe I can offer fresh perspectives and innovative solutions to help build a brighter future for our generation and those to come,” pahayag ni Camille.
Pangako rin nito na isususlong ang pabahay at edukasyon, at women and youth empowerment sakaling mahahal.
Isa sa pinakamalaking negosyo ng pamilya Villar ay real estate.
Samantala, si Abby naman ay target na masungkit ang pwesto na babakantehin ng kapatid na si Senador Nancy Binay na nasa ikatlong termino na rin.
Ang experience anya niya sa Kamara at pagiging alkalde ng Makati City ay malaking tulong para sa isusulong niyang mga batas sakaling mahalal na senador, ayon naman kay Binay.
Inamin din nito na una na rin niyang kinonsiderang tumakbo bilang mayor ng Taguig City.
“Taguig was really an option because a lot of people wanted me to run in Taguig. Pero mahirap kasi dahil hindi ako nakaupo. Makakalaban ko incumbent, she has the machinery, employees in the City Hall that will eventually rally for her. Mas mahirap ang laban, although I do have the solid support ng (of the) residents of Embo barangays,” giit niya.