INIHAYAG ni Pangulong Duterte na kailangan muna ng clearance niya ang mga miyembro ng gabinete bago dumalo ang mga ito sa imbestigasyon ng Senado.
Sa Talk to the People address, sinabi ni Duterte na siya ang magdedesisyon kung haharap o hindi sa Senado ang kanyang mga tauhan.
“This time, I will require every Cabinet member to clear with me any invitation, and if I think if walang silbi except to harass and be berated in front of the public, hintuin ko na ‘yan at pagbawalan ko na,” hirit ng Pangulo.
“You can cite the person in contempt pero ako na magsabi na ako ang may utos na hindi mag-attend. I think I can do it as President,” dagdag niya.
Sinabi pa ng Pangulo na sa dami ng mga iniimbitahan ng Senado, inaabot ng hanggang pitong oras ang kanyang mga opisyal kaya naabala ang kanilang trabaho. –WC