IBINASURA ng Court of Appeals (CA) ang apela ni Rappler CEO at Executive Editor Maria Ressa kaugnay ng kanyang kasong cyber libel.
Nauna nang naghain si Resa at kapwa akusado na si Rappler researcher Reynaldo Santos Jr. ng motion for consideration matapos sa naging desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 46 kung saan hinatulan silang guilty sa kasong cyber libel.
Nag-ugat ang kaso matapos namang ang isinulat ni Santos na nag-aakusa kay yumaong dating which Supreme Court chief justice Renato Corona na tumanggap umano ng pabor mula sa Filipino-Chinese businessman na si Wilfredo Keng.
Iniulat nf Rappler na ipinahiram umano ni Keng ang isang sports utility vehicle kay Corona.
Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Ressa sa desisyon ng CA.
“The ongoing campaign of harassment against me and Rappler continues, and the Philippine legal system is not doing enough to stop it,” ayon kay Ressa sa isang kalatas.
“I am disappointed by today’s ruling but sadly not surprised.”