HINDI na rin pinalagpas ni Pangulong Bongbong Marcos ang marahas na akusasyon sa kanya ni dating pangulong Duterte na isa siyang adik at nasa drug list siya.
“I think it’s the fentanyl. Fentanyl is the strongest painkiller you can buy. It is highly addictive and it has very serious side effects and PRRD has been taking the drug for a very long time now,” bitaw na pahayag ni Marcos sa isang ambush interview bago tumulak patungong Vietnam Lunes, Enero 29, 2024.
Ayon sa pangulo, matagal na umanong gumagamit ng nasabing painkiller ang dating presidente kaya may matinding epekto na ito sa kanya.
Payo niya sa mga doktor ni Duterte na pangalagaan ang kalusugan ng kanyang sinundang lider dahil sa lumalala na ang problema nito.
“I hope his doctors take better care of them, hindi pinapabayaan itong mga nagiging problema,” ayon kay Marcos.
Nitong Linggo, ibinulgar ni Duterte na adik diumano ang pangulo at nasa listahan ito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Lunes ng umaga, naglabas ng pahayag ang PDEA at itinanggi ang pahayag ni Duterte.