RUMESBAK si Sen. Christopher “Bong” Go kay Senador Richard Gordon kung saan inakusahan niya ang huli nang conflict of interest matapos umanong pumirma ng multi-milyong kontrata sa PhilHealth para sa pagbili ng mga test kit noong 2020.
Sa kanyang privilege speech, hinamon ni Go si Gordon na mag-inhibit sa isasagawang imbestigasyon kaugnay ng umano’y kaugnayan niya kay dating Department of Budget and Management Procurement Service (DBM-PS) chief Lloyd Christopher Lao na iniimbestigahan sa umano’y overpriced na masks at face shields.
Ayon kay Go, hindi rin lingid sa publiko ang naging MOA sa pagitan ng Philippine Red Cross kung saan chairman si Gordon at ng PhilHealth.
Nauna nang sinabi ni Gordon na nakatakda niyang isulong ang imbestigasyon ng Senate Ethics Committee laban kay Go.