Paalam, Mahal!

PUMANAW na ang komedyanteng si Noeme Tesorero, mas kilala sa tawag na “Mahal” Martes. Siya ay 44 anyos.

Kinumpirma ng kanyang kapatid na si Irene Tesorero ang pagpanaw ng aktres.

“Ang aming kapatid na si Mahal ay pumanaw na. Wala pa schedule sa kanyang burol due to Covid restrictions,” sabi ni Irene.

Maging ang kanyang matalik na kaibigan na si Brenda Mage ay nag-post sa social media para kumpirmahin ang pagpanaw ni Mahal.

“Ang dami dami mong napasaya sa napaka genuine mong pagkatao Mahal ka ng lahat… Mahal ka namin MAHAL…. pahinga na aming Munting MAHAL,” ayon naman kay Mage.

Nakilala si Mahal noong 1990s at early 2000 dahil sa pagiging komedyante, aktres at host nito.