‘Bloodbath’ remark ni VP Sara: Sana hindi literal, ayon sa Malacanang

MAY pagka-bayolente diumano ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte hinggil sa napipintong impeachment trial laban sa kanya.

Gayunman, umaasa ang Malacanang na hindi literal ang nais mangyari ni Duterte nang sabihin nito na gusto niya ng “bloodbath” sa mangyayaring impeachment trial laban sa kanya.

“Medyo marahas ang naging pahayag ng ating Pangalawang Pangulo, pero umaasa kami na ito’y isang figure of speech lamang at hindi dapat unawain sa literal na kahulugan,” ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro sa briefing sa Palasyo.

“If that’s what she really wants, and there will surely be debates once a trial takes place, then let’s just allow the process to unfold,” dagdag pa nito.