MAS dumami ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho nitong Agosto kumpara sa naitala noong Hulyo 2022.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot na sa 2.68 milyon ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho matapos makapagtala ng 5.3 porsiyentong unemployment rate noong Agosto 2022.
Mas mataas ito kung ikukumpara sa naitala noong Hulyo na 2.6 milyon o 5.2 porsiyento.
Paliwanag ng PSA, katumbas ito ng 78,640 na nadagdag sa mga walang trabaho sa loob lamang ng isang buwan.
“In terms of rates, a lower unemployment rate of 5.3 percent was posted in August 2022 compared with the 8.1 percent recorded in the same period last year, but it was 0.1 percentage point higher than in July 2022,” dagdag ng PSA.