NA wow-mali si US President Joe Biden nang pasalamatan nito ang Columbia imbes na Cambodia sa pagho-host ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit.
“It was an honor to host at the White House in May, and now that we are back together in Cambodia,” pahayag ni Biden sa harap ng mga ASEAN leaders.
“I look forward to building even stronger progress than we’ve already made. I want to thank the prime minister for Colombia’s leadership as ASEAN chair,” dagdag pa niya.
Hindi lang dito nagkamali ang pangulon ng America. Inulit niya ito bago umalis para dumalo sa isa pang pagpupulong, bagamat iwinasto niya agad ang sarili.