Ako Bicol partylist pinuri 8-anyos na chess champion

PINURI ni Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co ang walong-taon-gulang na bata mula sa Albay matapos tanghaling kampeon sa 6th Eastern Asia Youth Chess Championship sa Bangkok, Thailand.

Si Bince Rafael Operiano mula sa Busac, Oas, Albay ang kumatawan sa bansa sa pandaigdigang patimpalak mula Nobyembre 4 hanggany 12.

“Our congratulations also to his parents, family, neighbors, and friends because all of them certainly had inputs to his sports development,” sabi ni Co.

Tiniyak ni Co na patuloy na isusulong ng Ako Bicol ang mga programa na may kaugnayan sa palakasan para sa paghahanap ng mga Pinoy na may talento sa isports.

“Ako Bicol will continue its grassroots sports program to search for more Filipino youth like Bince all over the Bicol Region,” ayon pa kay Co.