NAKATAKDANG pirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong Lunes ang SIM Registration bill sa gitna ng paglaganap ng mga text scam.
Sa ilalim ng panukala, kailangang irehistro ang lahat ng bagong SIM bago magamit.
Lahat ng mga ginagamit na SIM ay kailangang irehistro sa loob ng 180 na araw o sa loob ng anim na buwan para maiwasan ang deactivation.
Ang SIM Registration bill ang kauna-unahang batas na pipirmahan ni Marcos.