NAKIISA si President-elect Ferdinand Marcos Jr. sa selebrasyon ng ika-124 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ngayong Linggo.
Mensahe ni Marcos: “Mula sa kagitingan at pagkakaisa na ipinamalas ng ating mga ninuno. Mula sa kanilang talino at galing, at tapang upang makatayo sa ating sariling mga paa, dito nagmula ang ating kalayaan…
“Ang mga katangian ng Pilipino na nagpalaya sa atin 124-taon na ang nakalipas ay siya ring mga katangiang magpapalaya sa atin sa mga pagsubok pang hinaharap.
“Talino, galing, kagitingan at higit sa lahat, ang pagmamahal sa ating sariling Pilipinas, ang siyang pundasyon ng ating kalayaan mula noon hanggang ngayon.“Napakasarap maging malaya. Napakasarap maging Pilipino.”