WALA pang komento ang Palasyo sa mga katanungan hinggil sa nag-viral na mga litrato ni Pangulong Bongbong Marcos na bumiyahe sa Singapore para manood ng F1 Grand Prix
Binatikos naman ni Bayan Muna secretary general ang biyahe ni Marcos.
“A jet-setting lifestyle is incompatible with the Office of the President. The weekend getaway to watch the F1 Grand Prix in Singapore during an economic crisis, in the aftermath of Karding, and with public debt breaching P13 trillion is insensitive, unnecessary and irresponsible,” sabi ni Reyes.
Ayon kay Reyes, gumamit man ng pribadong eroplano o ang P2 bilyong Gulfstream jet na binili noon ni dating pangulong Duterte para sa “airborne command post” ng Department of National Defense (DND) kapag may krisis sa bansa, mali pa rin ang biyahe ni Marcos.
“If private jet, who paid for it? Or was it lent by someone which would make it qualify as graft. If a government asset was used for the Singapore trip, that means we paid for that weekend getaway. Either way, may mali,” dagdag ni Reyes.
Batay sa mga larawang nag-viral, kasama ni Marcos ang kanyang anak na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at Speaker Martin Romualdez.