SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi siya kuntento sa naging resulta ng autopsy sa namatay na middleman sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid.
“I am still not satisfied that it was natural causes. Sabi ko, tingnan niyo nang mabuti because there are ways to kill a person that do not show up in the medico legal. So tuloy-tuloy pa ang imbestigasyon. But more importantly, is to really trace saan nanggaling ito? Who gave the order? Sino nagbigay doon sa preso na orderin ang shooter na gawin ito at bakit?” sabi ni Marcos sa isang ambush interview.
Ito’y sa harap naman ng sinasabing pagpanaw ng middleman na si Crisanto Villamor sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).
Kasabay nito, sinabi ni Marcos na patuloy ang pagmomonitor niya sa kaso sa harap naman ng ulat na nakatatanggap na ng death threat maging ang mga kapamilya ni Lapid.
“I have been monitoring… I talked to Justice Secretary (Boying) Remulla and DILG (Secretary Benhur) Abalos, three, four, five times a day, and each time we talk about this…We do not have any particular directives. The police know what to do. I’ll just get in the way… Imbestigahan ninyo nang mabuti. Alamin natin nang mabuti kung sinong behind this. Hanggang ngayon, hindi pa …hindi pa tayo nakakasiguro,” dagdag ni Marcos.