IKINUKONSIDERA na ni Senador Bato Dela Rosa na magtago sakaling ilabas na ng International Criminal Court (ICC) ang arrest warrant laban s kanya.
“Kung wala tayong makita na hustisya dito sa ating bansa, bakit ka susuko? ‘Di ba?” pahayag ni Dela Rosa nitong Miyerkules.
“Kasama ‘yan sa kino-consider natin. Kasama ‘yan sa courses of action na pwedeng gawin,” dagdag pa nito.
Samantala, nagpasalamat naman si Dela Rosa kay Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pagpayag nito na manatili sa Senado habang inaayos ang mga legal remedies kaugnay sa kaso at arrest warrant na posible niyang harapin.
“I thank the Senate President that he’s willing to protect me while I am still a Senator of this Republic. It shows that the Senate, as an institution, stands for what is right,” anya.
“Hindi ko naman sinasabi na forever akong mag-standby dyan. So, meron pa ring ah kwan, meron pa, hanap pa rin tayong ibang courses of action na pwedeng gawin,” dagdag pa nito.
Si Dela Rosa, na noon ay hepe ng PNP, ang siyang chief implementer ng war on drugs na ipinatupad ng administrasyong Duterte na nagresulta sa libo-libong namatay.