NAHAIN ng kanyang courtesy resignation si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. nitong Huwebes, bilang pagtalima sa panawagan ni Interior Secretary Benhur Abalos na magbitiw ang mga matataas na opisyal bilang bahagi ng kampanya para linisin ang hanay ng kapulisan.
“I heed the call of the Honorable Secretary of the Interior and Local Government and the concurrent chairman of NAPOLCOM (National Police Commission). Thus, I am submitting my resignation from the police service voluntarily,” pahayag ni Azurin sa kanyang liham kay Pangulong Bongbong Marcos.
Sa nasabing sulat, sinabi rin ni Azurin na handa siyang sumailalim sa evaluation ng isang komite upang mabatid kung sabit siya sa illegal drugs trade.
Ang liham din anya ay isang pabatid na rin sa pangulo ng kanyang aplikasyon para sa retirement.