Catriona Gray babandera sa Miss Universe bilang host

KABILANG si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa mga magiging host sa gaganaping ika-71 edisyon ng Miss Universe sa Enero 15.

Makakasama ni Catriona si Zuri Hall bilang backstage commentators.

“So excited to be a part of this line up,” sabi ni Catriona.

Magiging main host naman sina Miss Universe 2012 Olivia Culpo at Emmy award-winning TV personality Jeannie Mai Jenkins para sa gagawing pageant.

Matatandaang si Steve Harvey ang dating host ng Miss Universe.

Si Celeste Cortesi naman ang pambato ng Pilipinas sa pageant.