IDINIPENSA ng local government ng San Jose del Monte City, Bulacan ang waiver na pinalalagdaan sa mga tumanggap ng ayuda.
Ayon kay Elmer Galicia, City Legal Officer ng San Jose del Monte, ang waiver ay patunay na natanggap ng benepisyaryo ang pera.
Aniya, gagamitin ang waiver sa liquidation ng pondo para ibigay sa Commission on Audit.
Itinanggi rin ng opisyal na P1,000 lamang ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo.
Aniya, kung magkano ang nakuha na halaga ay ito ang isinusulat ng benepisyaryo sa waiver.
Gayunman, nakatakdang pagpaliwanagin ng Department of the Interior and Local Government ang mga opisyal ng siyudad kung bakit nag-require sila ng waiver.
Ani DILG spokesman Jonathan Malaya, hindi kailangang pumirma sa waiver ang mga tatanggap ng ayuda.
“Kinu-confirm po muna namin ang itong report na ‘to. At kung totoo nga na may waiver at hinihintay namin ang paliwanag nila,” dagdag hiya.