IMBES na maaliw sa blind item ni Arnold Clavio ukol sa katiwalaan ng isang mataas na opisyal ng gobyerno at asawa nito, pinersonal at binash ng netizens ang batikang news anchor at broadcaster.
Sa Instagram, isiniwalat ni Clavio na ang mataas na opisyal na may letrang R at O ang pangalan at letrang U at E ang apelyido ay pinaiimbestigahan dahil sa umano’y pagdami ng transaksyon sa bangko sa pamamagitan ng cash at check deposits sa nakalipas na tatlong taon.
Chika ni Clavio:
“Sino itong isang mataas na opisyal ng gobyerno ang kasalukuyang iniimbestigahan, dahil sa biglaang pagdami ng kanilang transaksiyon sa bangko sa pamamagitan ng Cash at check deposits sa nakalipas na tatlong taon?
“Ang nakakagulat, mayroong 69 bank accounts ang nasabing opisyal at ang kaniyang misis dito sa bansa at maging sa abroad.
“Dubai – mayroon umanong deposito ang mag-asawa ng US dollars at Euro na aabot sa tinatayang 1.4 Billion pesos.
“Ayon sa preliminary investigation, ang nasabing kabuuang 69 bank accounts as of July 2022, 42 Bank accounts dito ay US dollar account na naka-deposito sa USA, Canada, Dubai, Singapore, UK at Switzerland kung saan ay nakakakuha ang mag-asawa ng matataas ang interest rates.
“Ang malaking bulto umano ng pag galaw ng deposito ng mataas na opisyal na ito at ng kaniyang asawa ay nagsimula noong December 2021 hanggang July 2022, panahon ng kampanya.
“Ayon pa sa report, ang govt. official at asawa nito ay may deposito sa mga sumusunod na bangko:
~ sa Dubai (foreign bank) na may $ 3 Million or P170M ;
~ UAE ( 2 foreign banks) – 3.7 Euro or P208 Million ;
~ sa Dubai pa rin ( 3 foreign banks) – na may deposito P38.5 Million
~ Dirham or P616 Million
~ at sa Dubai ( 4 foreign banks )- 21.75 Million dirham or P348 Million.
“Sino ang mataas na opisyal na ito kasama ang kaniyang misis na iniimbestigahan ngayon ng __ ?
“Walang Personalan!”
Inulan naman ng batikos si Clavio mula sa publiko.
“Spill it out kung hindi ka duwag para malaman natin ang totoo.”
“Name names duwag.”
“Yung alam mong fake news at intriga lang kasi kaya pa blind item ka nalang di mo kasi kayang panindigan.”
“Bakit need pa niyang e-Blind item? If may ebidensya at sure siya, then expose it or go to court and file a case. Hmmm, yan na naman, puro chismis.”
“Walang lumalabas na totoo s bibig mo Arn Arn.. ang totoo lng sayo eh ung peluka mo!”
“May ebidensya ka? Ilabas mo na. Ginugulo mo isip ng tao, sinisira mo mga taong May ganyang letra sa pangalan, at higit sa lahat.. pinapadami mo lang mga Marites sa pinas.”