Anong masasabi mo Justice Sec. Remulla: Bantag hataw sa TikTok dance craze

TILA nang-aasar pa sa kanyang mga kritiko ang suspended na si Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag nang sabayan nito sa pagti-TikTok si dating OWWA deputy administrator Mocha Uson.

Sa isang post sa social media, macaption na “Weekend Na!” ang video kung saan makikita ang dalawa na humahataw sa isang dance trend sa saliw ng Replay x Spin Back.

Isa si Mocha sa mga vlogger na pinulong ni Bantag sa Baguio City.

Bago ito, ipinatawag ng Department of Justice si Bantag upang dumalo sa preliminary investigation sa kasong may kaugnayan sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid at presong si Jun Villamor.