PINAG-AARALAN na ng Angat Buhay Foundation ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Communications Undersecretary Lorraine Badoy dahil sa umano’y pagre-red tag nito sa grupo.
Kinondena ng foundation, na pinamumunuan ni dating Vice President Leni Robredo, ang
“utterly baseless and completely false” na pahayag ni Badoy sa isang TV program.
“As soon as our attention was called to the matter, we referred the same to our lawyers who are now in the process of preparing possible legal actions to protect the integrity of our organization and our work and, more so, to protect our volunteers and partners,” ani Angat Pilipinas Executive Director Raphael Martin Magno sa kalatas.
“To our friends and supporters, rest assured that we are not taking this sitting down. We will not allow these efforts to sabotage our work to prosper. The time to stand up to fake news and hold its purveyors to account is now,” dagdag ni Magno.
Hindi naman inihayag ni Magno kung ano ang sinabi ni Badoy, pero base sa mga social media posts ay tinuran umano ng huli na, “The people behind Angat Buhay is CPP-NPA-NDF.”
Hindi naman nagpatinag si Badoy sa banta ng Angat Buhay.
“BRING IT ON. My lawyers await you,” aniya sa isang Facebook post.