Agosto 30 idineklarang National Press Freedom Day

IDINEKLARA ng Malacanang ang Agosto 30 bilang National Press Freedom Day bilang pagkilala kay Marcelo H. Del Pilar, ang ama ng Philippine journalism.

Inanunsyo ito ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar nitong Miyerkules matapos lagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 11699 na nagdedeklara sa Agosto 30 bilang National Press Freedom Day.

“Sa mga kaibigan natin sa media, pinirmahan po naman ni Pangulong Duterte ang Republic Act No. 11699 na nagdedeklara sa August 30 ng bawat taon na National Press Freedom Day,” ayon kay Andanar.

Ipinanganak si Del Pilar na may pen name na “Plaridel” noong Agosto 30, 1850.

Pinirmahan ni Duterte ang batas noong Abril 13 upang bigyang importansya ang kahalagahan ng pamamahayag, ang mga karapatan nito at resposibilidad, at pagbibigay proteksyon laban sa lahat ng uri ng karahasan.