SINABI ng OCTA Research Group na 85 porsiyento ng Pinoy ang naniniwala na nasa tamang direksyon ang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sa Tugon ng Masa survey na isinagawa ng OCTA, tinanong ang mga Pinoy ng “Based on the policies and programs presented and implemented by the current administration, do you think the country is leading in the right way?”
Umabot sa 91 porsiyento ng mga Pinoy sa Visayas ang naniniwalang tama ang pagpapatakbo ni Marcos ng Pilpinas, nakakuha naman siya ng 87 porsiyento sa Balance Luzon at 84 porsiyento sa Mindanao m.
Samantala, 70 porsiyento naman sa mga respondent sa National Capital Region ang nagsabi na tama ang ginagawang mga hakbang ng administrasyon.
Ayon sa OCTA, binigyan si Marcos ng 86 porsiyentong pagsuporta sa kanyang ginagawa sa Class D; 81 porsiyento sa Class E o “poorest of the poor,” at 79 porsiyento sa Class ABC.
Isinagawa ng OCTA ang survey mula Oktubre 23 hanggang Oktubre 27 na may 1,200 na respondents.