Korean girl group na Mamamoo may concert sa PH sa Pebrero

MAGKO-CONCERT sa Pilipinas ang Korean girl group na MAMAMOO sa Pebrero ng susunod na taon.

Ito ay bahagi ng 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐌𝐎𝐎 𝐖𝐎𝐑𝐋𝐃 𝐓𝐎𝐔𝐑 ng grupo na gagawin muna sa Hong Kong sa Enero 7; Taiwan sa Enero 14; Singapore sa Pebrero 9; Kuala Lumpur sa Pebrero 11 at Manila sa Pebrero 12.

Isasagawa ang concert alas-7 ng gabi sa Araneta Coliseum sa Quezon City.

Inilabas na ng Wilbros Live ang presyo ng tiket kung saan maaari nang makabili ang mga Moomoo simula alas-10 ng umaga sa Linggo, Disyembre 4 sa TicketNet.com.ph at TicketNet outlets.

Aabot sa P13,500 kada isa ang pinakamahal na tiket at P3,500 naman ang pinakamurang tiket.

Kabilang sa mga miyembro ng MAMAMOO sina Solar, Moonbyul, Wheein at Hwasa.