NANINIWALA ang abogado at labor leader na si Luke Espiritu sa lakas ng manggagawang Pinoy,
Anya may 40 milyon manggagawa sa bansa na kung magsasama-sama sa darating na halalan, tiyak na maisusulong ang kapakanan ng bawat manggagawang Pilipino.
“40 million ang manggagawa ng Pilipinas. Kung lahat tayo ay bumoto na dala-dala ang interes ng ating uri, sigurado tayong mananalo sa 2025,” ayon kay Espiritu nitong Linggo.
Isa anya na dapat matutukan ay ang kinalimutang pangako ng nagdaang administrasyon — ang tapusin ang sistemang kontraktwal.
“Wawakasan natin ang sistemang kontraktwal at itataas natin ang sahod ng manggagawa sa nakabubuhay na sahod,” dagdag nito.
Dapat din anyang mabigyan ng tamang sahod at oportunidad ang mga manggagawang Pinoy.