APAT na kasunduan ang nilagdaan sa larangan ng defense, cultural cooperation at ekonomiya, sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia, matapos ang state visit ni Pangulong Bongbong Marcos sa nasabing bansa.
Iprinisinta nina Marcos at Indonesian President Joko Widodo ang mga napirmahang kasunduan matapos ang kanilang bilateral meeting sa Teratai Hall ng Bogor Presidential Palace sa West Java, Indonesia.
Ang unang kasunduan ay ang plan of action sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia mula 2022 hanggang 2027 kabilang ang isyu sa security, defense, border management, counter-terrorism, economics, energy, maritime, culture, education, labor, health, at consular matters.
Pinirmahan din ang isang memorandum of understanding sa cultural cooperation.
Bukod dito, pinirmahan din ang kasunduan sa cooperative activities sa larangan ng defense at security.
“Ito’y mag-enhance ng collaboration between our defense agencies, further promote the conduct of cooperative agreements – activities and reinforce the modernization of Philippine military,” sabi ni Press Secretary Angeles.