31 mangingisda nasagip sa West Philippine Sea

NASAGIP ang 31 mangingisda malapit sa Nares Bank sa West Philippine Sea makaraang masira ang kanilang bangka noong Linggo.


Ayon sa Naval Forces West, nagpadala sila ng rescue team sa lugar makaraan nilang makatanggap ng tawag ukol sa pagkabahura ng FB Pauline 2.


Napag-alaman na nasira ang katawan at nabutas ang sahig ng bangka.


Makaraang respondehan ng FB Espanola ang FB Pauline 2 ay dumating ang BRP Emilio Jacinto para kunin ang mga mangingisda.


“The 31 fishermen were received on board PS35 where they were medically checked, given food and given accommodation,” ayon sa NFW.


Inihatid kinalaunan ang mga mangingisda sa San Jose, Occidental Mindoro.