1Sambayan boses lang ng isang barangay– Malacañang

MINALIIT ng Malacañang ang pahayag ng opposition coalition 1Sambayan na hindi magtatagumpay ang Duterte-Duterte tandem sa 2022 national elections.


“See you on election day. Taumbayan ang magdedesisyon diyan,” ani presidential spokesperson Harry Roque bilang reaksyon sa sinabi ng 1Sambayan na hindi uubra sa national level ang “Davao formula.”


“Nakapagtataka naman, ang akala ng opposition, sila ang tagapagsalita ng taumbayan. E kung titingnan mo ang mga surveys, wala pa pong limang porsyento ang hindi sumusuporta sa ating Presidente. Bagamat sinasabi na kayo ang boses ng taumbayan, baka boses lang kayo ng isang barangay,” dagdag ni Roque.


Bibalewala rin ng opisyal ang sinabi ni dating Sen. Antonio Trillanes IV na dapat tumakbo sa halalan ang buong pamilya ni Pangulong Duterte para maranasan nilang lahat ang pakiramdam ng matalo.


“Doon po sa sinabi ni Senator Trillanes, I’m afraid he cannot claim to be the spokesperson of the people of this country,” ani Roque.


“Malalaman lang po natin ang desisyon ng taumbayan pagkatapos po ng eleksyon,” dagdag niya. –WC