AABOT sa 15,000 pulis ang ipakakalat sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos sa Huwebes, Hunyo 30, 2022.
Sa isang panayam sa DZBB, sinabi ni PNP spokesperson PCol. Jean Fajardo na ang nasabing bilang ay bukod pa sa mga idedeploy na sundalo ng Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard.
“Humigit kumulang nasa 12,000 to 15,000 ang idedeploy natin higit pa diyan ang kinatawan ng Armed forces at Philippine Coast Guard. Diyan sa peripherical at palibot ng National Museum ay halos 7,000 at yung iba naman doon sa other areas like PICC na magiging staging area (ng mga rali) at doon sa entry points,” sabi ni Fajardo.
Aniya, magiging ground commander si National Capital Region Police Office (NRPO) MJ Felipe sa gagawing seguridad.
“Sa mga entry points papuntang Metro Manila ay magko-conduct tayo mga checkpoint to make sure hindi nga tayo malulusutan ng mga nagbabanta dito sa gagawing inauguration sa Huwebes,” ayon pa kay Fajardo.
Aniya, sisimulan ipatupad ang Manila Shield sa Hunyo 28, 2022.
“Meaning 12:01 ng June 28, yun ating pong checkpoint at chokepoint papasok ng Metro Manila ay asahan po na ilalatag,” aniya.
“In fact ngayon may mga naka-deploy na sa palibot ng National Museum. Yung mga labas masok ng National Museum ay binabantayan na ng PNP,” ayon pa kay Fajardo.