INIULAT ni Social Welfare Secretary Erwin Tulfo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na 1.3 milyon sa kabuuang 4.4 milyong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan ang hindi na makokonsiderang mahirap.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Angeles na ito ang inihayag mismo ni Tulfo matapos ang ikatlong pulong ng Gabinete sa Malacanang ngayong Martes.
Dahil dito, tatangalin ang mga ito sa listahan na ginagastusan ng pamahalaan ng P15 bilyon.
“Of note is Sec. Erwin Tulfo’s declaration that in the Pantawid Pamilyang Pilipino program at least 1.3 million beneficiaries out of 4.4 million are no longer considered “poor” as a qualification for the 4Ps benefits. This frees up P15B for other qualified persons to replace them and now be included in the said program,” sabi ni Angeles.