Pinoy Ako Blog nag-public apology kay Sass Sasot

HUMINGI ng paumanhin si Jover Laurio ng Pinoy Ako Blog sa blogger-journalist na Sass Rogando Sasot matapos niya itong tawagin na “prostitute”.

“Gusto kong humingi ng tawad sa blog posts na ginawa ko last Jan. 5 and 6, 2017. Nagpahiwatig ako na ikaw ay isang prostitute sa Netherlands, kahit wala akong matibay na basehan sa pagsabi nito,” ani Laurio

“Ngayong nalaman ko na hindi ito totoo. Humihingi din ako ng tawad sa lahat ng sakit, kahihiyan, at anumang pagdurusang naranasan mo dulot ng pagsulat ko ng post na yun,” dagdag niya.

Humingi rin siya ng tawad sa ina ni Sasot na si Melba.

“Alam ko na sa bawat sakit na nararamdaman ng anak mas doble pagdating sa ina nila,” sabi ni Laurio.

Nangako rin siya na hindi na niya muling gagawin iyon kay Sasot.

“Sana mapatawad mo ako sa lahat ng sakit na naranasan mo dahil sa post na iyon. I’ve learned from my mistake and I promise that this will not happen again,” ayon pa sa blogger.