ILEGAL na ang abortion sa Amerika matapos baliktarin ng Korte Suprema ang 50 taong desisyon kaugnay ng kasong Roe versus Wade.
Nangangahulugan ito na bawal na ang abortion sa iba’t ibang estado ng Estados Unidos.
Tinawag naman ni US President Joe Biden ang desisyon na “a tragic error”, kasabay ng panawagan sa mga estado na magpasa ng batas para payagan ang abortion.
Sa makasaysayang desisyon na Roe versus Wade noong 1973, sinabi ng Korte Suprema ng Amerika na protektado ng Konstitusyon ang desisyon ng mga kababaihan na hindi ituloy ang kanilang pagbubuntis.