NAGBITIW si United Kingdom Prime Minister Boris Johnson bilang lider ng Conservative Party ng Britain matapos mag-alisan ang mga minister niya dahil sa mga iskandalo na kanyang kinasasangkutan.
Inaasahan naman ang pagpili ng bagong lider ng Conservative party at bagong Prime Minister.
“It is clearly the will of the parliamentary Conservative party that there should be a new leader of that party, and therefore a new prime minister,” sabi ni Johnson.