Guro pinagbabaril sa Isabela, patay

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Purok 7, La Fortuna, Paddad, Alicia, Isabela Miyerkules.

Kinilala ang biktima na si Samuel BJ S Capistrano, 37, isang guro at residente sa nasabing lugar.

Naganap ang insidente alas-10:30 ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima.

Ayon sa mga saksi, dalawang lalaki ang nagtungo sa bahay ng biktima at hinahanap ito. Nilabas ni Capistrano ang dalawang lalaki para tanungin ang kailangan, ngunit bigla na lang siyang pinagbabaril ng mga ito.

Madaling nagsitakas ang mga suspek gamit ang isang motorsiklo habang ang biktima ay agaran namang itinakbo sa Paguila Hospital ngunit agad ding binawian ng buhay.

Inaaalam pa ng pulisya ang motibo ng pagpaslang. – John Roson