HINDI gaya nang dati, bawal nang pumasok sa Taiwan ang mga Pinoy kung walang visa.
Sa anunsyo ng TaiwaN nitong Miyerkules, Setyembre 7, hindi na papayagan makapasok sa Taiwan ang mga Pinoy nang walang visa simula sa Setyembre 12.
Bukod sa Pilipinas, hindi na rin papayagan ng Taiwan ang mga turista na magmumula sa Chile, Dominican Republic, Israel, Japan, Republic of Korea, Nicaragua, Singapore, Malaysia, Thailand, Brunei at Russia.
Hindi naman malinaw ang dahilan ng Taiwan sa paglalabas ng nasabing kautusan.
Matatandaan na naging bukas ang Taiwan sa pagpapasok sa mga turista mula sa iba’t ibang bansa, kabilang na ang Pilipinas, bilang bahagi ng “New Southbound Policy” na inilunsad noong 2018 na ang layunin ay palakasin ang ugnayan nito sa mga bansa sa Southeast Asia, South Asia, Australia at New Zealand.