PITONG bata habang dalawa pa ang nasabi at mahigit 20 ang nasugatan nang mamaril sa loob ng isang paaralan sa Russia Martes.
Isang oras matapos ang insidente ay naaresto naman ng pulisya ang 19-anyos na suspek.
Alas 9:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa School No. 175 sa City of Kazan, ayon sa pulisya.
Madali namang iniutos ni Russian President Vladimir Putin ang mabilis na pag-review sa gun control laws matapos ang shooting na sinasabing isa sa pinakamatinding insidente ng pamamaril sa history ng mga Ruso.
Pito sa mga nasawi ay pawang mga bata mula sa Grade 8 habang ang dalawa ay mga adult, at isa sa kanila ay guro.
May 18 pang mga bata at ilan pa ang isinugod sa ospital, anim sa kanila ang nasa kritikal na kondisyon. Ang edad ng mga nasugatan ay nasa pito hanggang 62.
Ayon sa pulisya, ang 19-anyos na suspek na nakilalang si Ilnaz Galyaviev ay estudyante ng Tatarstan University of Management na na-expel noong isang buwan dahil sa poor academic performance.
“He was always neat and calm, he was respectful of fellow students and teachers,” pahayag ng isang representante ng ng nasabing unibersidad.