NAGPAHAYAG si Pangulong Duterte ng pagkabahala sa banta ng Russia na gagamit ng nuclear weapon sa harap ng patuloy na pananakop nito sa Ukraine.
“I just pray to God that this will not really go out of control,” pahayag ni Duterte.
“Nasabi ko na nga sa inyo maybe probably you might have heard me on TV na ‘pag hindi ito nakontrol, delikado ang mundo. Once they start to push the button of nuclear warheads or nuclear bomb, well, sabi nga ng isang commentator, it will melt the world. Eh 1,000 ang nuclear warheads ng… Eh sa Hiroshima, that was a primitive bomb, Nagasaki, nawarak ‘yung puwesto, flattened to the ground. Eh kung 1,000 bitawan?” dagdag pa niya.
Sa kabila nito, iginiit naman niya na dapat na hindi kumampi ang Pilipinas sa nangyayaring giyera sa pagitan ng dalawang bansa.
“Ako naman, we stay neutral. But reality tells me that in the end, we’ll just have to select which side we would be. Now, of course, I know that the sentiment prevailing almost throughout the country… I’m talking of the reality. Eh ako kasi umaga pa nagbabantay na ako ng — bahala na ‘yung magpatayan sila doon. Huwag lang maggamit ng nuclear device because talo na tayong lahat, pati tayo damay,”aniya.