Rapper-actor DMX todas sa drug overdose

NAMATAY ang rapper at aktor na si DMX kahapon sa New York dahil sa atake sa puso bunsod umano ng drug overdose.


Si DMX, Earl Simmons sa totoong buhay, 50, ang nasa likod ng mga hits na “Party Up (Up in Here)” at “X Gon’ Give It To Ya.” Nagbida rin siya sa mga pelikulang “Cradle 2 the Grave” at “Exit Wounds.”


“We are deeply saddened to announce today that our loved one, DMX, birth name of Earl Simmons, passed away at 50 years old at White Plains Hospital with his family by his side after being placed on life support for the past few days,” ayon sa kanyang pamilya.


Nag-collapse si DMX sa kanyang bahay at agad dinala sa ospital. Naka-life support siya bago binawian ng buhay.


Sinabi ng ilang news outlets na inatake siya sa puso dahil sa drug overdose.