PINAGHAHANAP na ng United States Federal Bureau of Investigation ang founder at pastor ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) na si Apollo Quiboloy at dalawa pang miyembro ng simbahan.
Naglabas na ng “Wanted” posters para kina Quiboloy, Teresita Tolibas Dandan, at Helen Panilag ang ahensiya.
Ayon sa FBI, pinaghahanap si Quiboloy dahil sa umano’y labor trafficking scheme.
“[He is] wanted for his alleged participation in a labor trafficking scheme that brought church members to the United States, via fraudulently obtained visas, and forced the members to solicit donations for a bogus charity, donations that actually were used to finance church operations and the lavish lifestyles of its leaders,” ayon sa FBI.
“Members who proved successful at soliciting for the church allegedly were forced to enter into sham marriages or obtain fraudulent student visas to continue soliciting in the United States year-round,” dagdag nito.
Ayon pa sa FBI, ginagamit umano ni Quiboloy ang kanyang mga babaeng assistant para paglingkuran siya, kabilang na rito ang pakikipagtalik, pagkatapos ng trabaho kung saan tinatawag itong ‘night duty.
“Furthermore, it is alleged that females were recruited to work as personal assistants, or ‘pastorals,’ for Quiboloy and that victims prepared his meals, cleaned his residences, gave him massages and were required to have sex with Quiboloy in what the pastorals called ‘night duty,'” sinabi pa ng FBI.
Noong Nobyembre, si Quiboloy at iba pang opisyal ng KJC, kabilang ang dalawang administrador ng simbahan na nakabase sa US, ay kinasuhan sa US dahil sa umano’y pagpapatakbo ng sex-trafficking operation na nagbanta sa mga biktima na 12 taong gulang pa lamang ng “eternal damnation” at pisikal na pang-aabuso.