Pope ‘heartbroken’ sa Texas shooting

SINABI ni Pope Francis na “heartbroken” siya sa nangyaring shooting sa Texas kung saan 19 na bata at dalawang guro ang nasawi sa loob mismo ng paaralan nitong Martes.

Kasabay nito, kinondena ng Papa ang patuloy na kalakalan ng baril.

“I am left heartbroken by the massacre in the elementary school in Texas. I pray for the children, for the adults killed and for their families. It is time to say enough to indiscriminate arms trafficking. Let us all commit to ensuring such tragedies can no longer take place,” sabi ni Pope Francis.

Kinukonsiderang pinakamadugo sa mga nakalipas na mga taon ang nangyaring pamamaril sa Uvalde, Texas ng isang 18-taong-gulang na suspek, na napatay din ng mga otoridad.