55 partylist ipoproklama ngayong Huwebes

NAKATAKDANG iproklama ng Commission on Elections (COMELEC) ang 55 nanalong partylist group sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City alas-4 ng hapon ngayong Huwebes.

Nanguna sa nakaraang eleksyon ang ACT-CIS na inaasahang makakakuha ng tatlong kinatawan sa Kamara.

Kapansin-pansin namang hindi nakapasok ang ilang partylist group na nauna nang binansagan ni Pangulong Duterte na front ng New People’s Army (NPA).

Tinapos ng Comelec ang canvassing ng lahat ng 173 certificate of canvass nitong Miyerkules kabilang na ang mga nagmula sa Lanao del Sur matapos ang isinagawang special elections.