ITINANGGI ni Pope Francis ang mga balita na balak na umano niyang magbitiw matapos ang kanyang surgery nitong mga nakilapas na buwan.
Ayon sa Papa, hindi dumating sa isipan niya na magbitiw sa kanyang pwesto.
At para patunayan na hindi siya magre-resign, kinumpirma niya na may balak siyang mag-ikot sa iba’t ibang bansa kabilang na ang pagdalo sa COP26 o ang climate conference sa Nobyembre.
Ilan sa plano niyang puntahan ngayon ay sa Greece, Cyprus at Malta.
“I don’t know where they got it from last week that I was going to resign!” sabi ng Papa sa Spanish radio na Cope.
“Whenever a pope is ill, there is always a breeze or a hurricane of conclave,” dagdag pa nito.