Digong puring-puri si Duque kahit 2M na kaso ng COVID-19

PINURI pa ni Pangulong Duterte si Health Secretary Francisco Duque matapos na umabot na sa mahigit dalawang milyon ang kabuuang kaso ng coronavirus disease (Covid-19) sa bansa.

Sa Talk to the People ni Duterte Huwebes ng gabi, sinabi niyang bagamat dalawang milyon na ang nahawa sa virus, 1.8 milyon naman, aniya ang gumaling.

“However, ang consuelo natin is that 1.8 million of these have recovered. So mayroon na lang 200,000 na wala. And that is a very good reflection of what our health people are doing, and I would like also to commend Secretary Duque for that,” ayon kay Digong.