ITINALAGA ni Pope Francis si Monsignor Arnaldo Catalan bilang bagong apostolic nuncio sa isang bansa sa east Africa, ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).
Inanunsyo ang pagtatalaga kay Catalan bilang apostolic nuncio ng bansang Rwanda nitong Lunes.
“In appointing Catalan as a Vatican envoy, the pope also elevated him to the titular See of Apollonia, with the dignity of Archbishop,” ayon sa CBCP sa isang report.
Pinalitan ng paring Pilipino si Archbishop Andrzej Józwowicz ng Poland na inilipat naman sa Iran noong hunyo 2021.
Bago marating ang bagong posisyon, nagsilbi si Catalan bilang chargé d’affaires — isang posisyon na katumbas ay ambassador — ng Apostolic Nunciature in China simula noong 2019.