ISANG Pinoy sa Singapore ang nahawaan ng monkeypox, ayon sa Department of Foreign Affairs ngayong Linggo.
Sa pahayag ng Ministry of Health ng Singapore, ayon sa DFA, tinamaan ng monkeypox ang isang 31-anyos na Filipino noong Hulyo 25.
Sa report, unang nilagnat ang Pinoy noong Hulyo 21 bago nagkaroon ng mga rashes sa mukha at katawan.
“He sought medical care at SGH (Singapore General Hospital) on 24 July and was admitted on the same day. Contact tracing is ongoing,” sabi ng Singapore MOH.
Tiniyak naman ng MOH na nasa maayos na kalagayan na ang Pinoy.