TOKYO— Pumanaw na ang pinakamatandang tao sa mundo — isang Haponesa — sa edad na 119.
Ayon sa mga opisyal, namatay si Kane Tanaka, na ipinanganak noong Enero 2, 1903 sa Fukuoka region sa Japan, kasabay ng kauna-unahang pagpapalipad ng eroplano ng Wright brothers at ang pagkilala kay Marie Curie, ang kauna-unahang babae na kinilala bilang Nobel Prize winner.
Namatay si Tanaka habang nasa nursing home.
Ayon sa mga ulat, isang negosyante si Tanaka. Ilan sa kanyang mga negosyo ay ang noodle shop ar rice cake store. Nakapag-asawa noong 1922 at may limang anak, kabilang ang isang ampon.
Noong 2019 nang kilalanin siya bilang oldest person alive ng Guinness World Records.